Sunday, June 29, 2014

 Paniniwala sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao


       Bawat isa sa ating ay mahalaga. Myaman man o mahirap, nakapag-aaral o mangmang,magkakaiba man ang ating relihiyon ay dapat mabigyan at mga gawain. May karapatan din ang bawat isa sa makatarungang proteksiyon ng batas. Nakasaad din sa ating Konstitusyong ang pagkakapantay-pantay ng karapatan ng mga babae at lalaki.

Mga pagpapahalagang Pilipino

Pagmamahal sa Bayan 

      Hindi na matatawaran ang pagkamakabayan ng mga Pilipino dahil sa ipinakitang kagitingan ng ating mga bayani sa pagtatanggol sa bansa noong panahon pa man ng mga Kastila. Sa makabagong panahon ay nananatili pa rin ang pagpapahalaga at pag mamahal ng mga Pilipino sa bayan. Ang kahalagahang ay kinakailangan para sa kaunlaran ng bansa.


Nagbabayad ng tamang buwis

       Kung tayo ay may mga karapatang tinatamasa, mayroon naman tayong tungkuling dapat gampanan. Isa sa ating tungkulin bilang mamamayang may pagmamahal sa bansa ay ang pagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan. Sa buwis na ibinabayad nanggagaling ang ginagastang salapi ng pamahalaan upang maipatupad ang mga proyektong pangkabuhayan, pangkagalingan at panlipunan.


Ipinagtatanggol ang bansa kung kinakailangan

        Sa panahon ng kagipitan o nanganganib ang kapayapaang panlabas ng bansa laban sa mga dayuhan, kinakailangang maging handa ang mga kalalakihan upang ipagtanggol ang bansa. Ang mga mag-aaral na lalaki na malulusog at mga pagsasabay na panghukbo ay dapat tumugon sa pangangailangan ng bansa kung hinihingi ng pagkakataon.


 Iginagalang ang mga sagisag ng bansa 

      Bilang Pilipino, dapat nating igalang ang mga sagisag ng ating bansa. Sa pamamagitan lamang nito makikita ang ating pagiging lahing Pilipino.


  Ipinakikita ang pagmamahalan sa sariling wika

     May humigit-kumulang na 80 wika mayroon tayong mga Pilipino. Ang wika ay isang sagisag ng pagkakakilanlan natin at sa pamamagitan nito ay naipapahayag natin ang ating mga damdamin at saloobin. Ang paggamit ng sariling wika ay pagpapatunay ng pagmamahal sa bayan, kung kaya dapat nating palaganapin ang paggamit nito. Makatutulong din ito sa pagpapaunlad ng bansa dahil mapadadali at mapabibilis niti ang komunikasyon at pagkakaunawaan ng bawat isa.


Pagtutulungan

      Ang pagiging matulungin ay isang katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino. Angpagtutulungan o pagdadamayan ay naipapakita lalo na sa panahon ng kagipitan o kalamidad. Kung panahon ng bagyo, sunog o lindol., maraming mammayang Pilipino ang tumutulong sa kapwa sa pamamagitan ng pagpapadala ng lumang damit, pagkain, gamot, salapi at iba pang uri ng pagtulong .

     Anumang bagay ay gumagaan kapag bawat isa ay nagtutulungan. Winika nga ng dating pangulong Fidel V. Ramos, " kaya natin anumang problema, basta tayo ay sama-sama."








No comments:

Post a Comment